LANGGAM SA GARAPON NG ASUKAL
September 20, 2005
12/18/2004 areyendiway
Nais
kung bilangin ang bawat butil ng asukal
Na
nadampot ng aking kutsara,
Isang
umagang almusal ko ang balita
Ng
masaker sa mga welgista
Sa
isang dambuhalang asyenda
Ngunit anong palaisipan ang tumambad!
Iniikutan ng isang langgam
Ang bunganga ng garapong sisidlan
Sa likod niya’y nakapasan
Ang isang butil ng asukal
Habang nakaligid ang laksang bangaw
Maingay sa paglipad
Nangungutya, nanlilibak
Handang-handa, sa asukal ay aagaw
Ilang saglit pa’y inundayan
Ng sutil na hukbo ng bangaw
Ang nagpapagal na langgam
Hanggang sa ito’y sa hapag humandusay
Sa tabi ng mumong asukal
Na inipon sa buong araw na paggampan
Sa di-kalayua’y nagmamartsa
Ang hanay ng mga langgam
Nagdadalamhati, nagngangalit
Sa pagpanaw ng kauri
At kasamang dinuhagi
Isang katanungan –
Paanong ang nagpagal ay pinagkakaitan
Ng kanyang mga pinaghirapan?
Bakit inangkin ng nakapangyayaring gahaman
Ang kanyang laong pinagpaguran?
Walang katarungan sa isang sistemang
Karapata’y’ siil, kalayaa’y salat
Mananatili ang pang-aapi at panghahamak
Hangga’t hindi maapula
Ang mga ganid na bangaw
Ang mga nang-aagaw
Kumukulo
na ang kapeng
gawa
sa sinunog na bigas
Hinihintay
ang pagsanib
Ng
tamis sa pait
Bago
dumampi sa sikmura kong nanlalamig
Ang
init ng inuming mapanggising
Leave a Reply